Populasyon ng tamaraw,nauubos na —DENR

Nasa kritikal na pagkaubos na ang lahi ng tamaraw sa bansa.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, mayroon na lamang mula sa 500 hanggang 600 na tamaraw ang natitira.

Aniya, maraming dapat gawin upang iligtas sa tuluyang pagkaubos ang naturang endangered species.

Sa ngayon, ang Mts. Iglit-Baco Natural Park ay may kasalukuyang inaalagaang 351 tamaraw.

Bilang karagdagan, ang iba pang nakumpirmang may natitirang populasyon ng tamaraw ay ang reservation center sa Aruyan-Malati Tamaraw Conservation sa Sablayan, Occidental Mindoro; Mt. Calavite Wildlife Sanctuary sa Paluan, Occidental Mindoro at Upper Amnay Tamaraw Habitat na sumasakop sa Occidental at Oriental Mindoro.

Target ng DENR na makapagparami ng lahi ng tamaraw ng hanggang isang libo.

Naglaan na ang pamahalaan ng P100-M na budget para sa pangangalaga ng tamaraw at apat na iba pang critically endangered species.

Kabilang dito ang dugong o sea cow, Philippine Cockatoo, Philippine Eagle, Philippine Pangolin at Pawikan.

Facebook Comments