Task Force Safe ng Comelec, may paalala kay Mocha Uson

Pinadalhan ng sulat ng Task Force on Safeguarding Against Fear and Exclusion in Elections (Task Force SAFE) ng Commission on Elections (COMELEC) ang vlogger at tumatakbong konsehal na si Mocha Uson.

Ito’y dahil sa kaniyang campaign jingle na double meaning o may iba pang ibig sabihin.

Sa sulat ng Task Force SAFE ng Comelec, batid nila na bawat kandidato ay nais makuha ang atensyon ng mga botante sa pamamagitan ng campaign jingle pero paalala nila na huwag naman sana ang mga sexually suggestive na maaaring magdulot ng ibang kahulugan.

Umaasa ang Comelec na tututok si Uson sa mismong plataporma nito at hiling ng komisyon na pag-isipan sana ito nang maigi ng kandidata.

Matatandaan na umani ng iba’t ibang opinyon ang nasabing jingle na “Cookie ni Mocha” kung saan ilan mga nakaupong kongresista ang napaisip at hindi pabor dito.

Facebook Comments