Dahil sa nananatili pa rin ang bansa sa pandemya, iniulat ni Population Commission (POPCOM) Usec. Juan Antonio Perez III na bumaba ang population growth sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Perez na sa nakalipas na 2 taong pananalasa ng COVID-19 pandemic madaming mag asawa ang nagpa-family planning na sa ngayon.
Ayon kay Usec. Perez, umiiwas kasi ang mag asawa sa panganganak dahil sa nagpapatuloy na economic crisis dulot ng pandemya.
Base sa datos, ang fertility rate ay bumaba mula sa 2.7 children per woman sa 1.8 na lamang noong 2020.
Sinabi pa nito na noong 2019, nasa 1.5-M hanggang 1.6-M ang nadadagdag sa ating populasyon pero nitong 2020 ay nasa 900,000 at noong 2020 ay 400 ,000 na lamang ang nadagdag sa ating populasyon.
Ani Perez, mas nagiging wais lamang ang ating mga kababayan bunsod na rin ng hirap ng buhay dala ng pandemya.