Palasyo, ipinasa na sa administrasyong Marcos ang desisyon kung magpapatupad ng panibagong buwis

610
Photo Courtesy: Bongbong Marcos Facebook Page

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa administrasyong Marcos ang pagpapasya hinggil sa panukalang magpatupad ng mga bagong pagbubuwis.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at PCOO Sec. Martin Andanar kabilang dito ay ang pansamantalang pagpapatigil ng income tax reductions at pagkansela sa ilang tax exemptions.

Sinabi ng kalihim na nasa kamay na ng economic team ng susunod na administrasyon kung kailangang ipatupad o hindi ang mga panukala.


Giit pa nito, umaasa silang magpapatupad ng mga nararapat na hakbang ang economic team ng administrasyong Marcos na makatutulong para mapanatiling masigla ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng patuloy na nararanasan pa ring COVID-19 pandemic.

Facebook Comments