Tinatayang limang porsyento na lang ang kailangang mabakunahan sa Metro Manila para makamit na ang population protection sa gitna ng pagpapairal ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mangyayari lamang ito kapag naabot ang apat na milyong target na mabakunahan simula sa Agosto 6 haggang 20.
Aniya, sakaling maabot ang apat na milyong indibidwal na mabakunahan sa dalawang linggong ECQ ay papalo na sa 45 percent ang matuturukan ng COVID-19 vaccine at halos abot kamay na ang 50% target population.
Dahil dito, tiwalang si Roque na makakayang abutin ang mahigit 250,000 kada araw na pagbabuna para makamit ang 4 million jabs.
Facebook Comments