PORK BARREL | Kampo ni Janet Napoles, aapela sa naging hatol ng Sandiganbayan

80

Manila, Philippines – Planong iapela ng kampo ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janel Lim-Napoles ang naging desisyon ng Sandiganbayan.

Ayon sa abogado nito na si Atty. Stephen David, hindi pwedeng mahatulan ng plunder ang kaniyang kliyente dahil wala itong posisyon sa gobyerno.

Iginiit pa nila na kung naabswelto si Senator Bong Revilla na co-accused ni Napoles, ay paanong siya na isang private individual ay nahatulan.

Dahil dito, maghahain sila ng motion for reconsideration kung saan mayroon silang 15-araw para umapela.

Matapos mahatulan na guilty, iniutos naman ng Sandiganbayan na mailipat sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City si Napoles mula sa Camp Bagong Diwa.

Facebook Comments