Pork barrel queen Janet Lim Napoles, inilipat na sa Camp Bagong Diwa

Manila, Philippines – Nailipat na ng kulungan ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.

Mula sa correctional institute for women sa Mandaluyong City, ibiniyahe si Napoles papunta sa Bureau of Jail Management and Penology detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

4:32 nang madaling araw dumating ang convoy ni Napoles sa Camp Bagong Diwa, patungo sa BJMP female dormitory.


Nakasuot si Napoles ng bull cap at kulay puting jacket.

Bantay-sarado si Napoles ng mga miyembro ng swat at Bureau of Corrections, at maging mga miyembro ng media ay pinagbawalang makalapit sa sinasakyang ambulansya ng tinaguriang pork barrel queen.

Matatandaang ipinag-utos ng sandiganbayan first at third division ang agarang paglilipat ng kustodiya ni Napoles sa BJMP.

DZXL558

Facebook Comments