Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na hindi kailangang magsagawa ng pork holiday ang consumer group bilang protesta sa patuloy na tumataas na presyo ng karne ng baboy at maging ng manok at gulay.
Paliwanag ni Go, binabalanse naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapakanan ng mga consumer at mga trader kaya naman nagpalabas ito ng Executive Order na nagpapataw ng price ceilling sa mga karne ng baboy at manok sa loob ng dalawang buwan na puwede pang ma-extend.
Ipinunto ni Go na lahat naman ay apektado ng krisis na dulot ng COVID-19 at lahat ay nakakaramdam ng hirap ng buhay.
Sinabi ni Go na bilang pagtiyak na mababalanse ang lahat ay nagpatawag ng pulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete para matalakay ang pagtaas ng presyo ng bilihin upang masigurong maikokonsidera ang kapakanan ng mga supplier at consumer.