PORMAL NA RESOLUSYON SA PAG-APELA SA PAGGAMIT NG NORTH LUZON EXPRESSWAY TERMINAL NG MGA LOCAL BUS COMPANIES, INILABAS NA

Pormal ng inilabas ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang isang resolusyon na umaapela sa paggamit ng North Luzon Expressway Terminal o NLET at pagpasok ng mga Local Bus Companies sa National Capital Region.

Matatandaan na sa nangyaring Question Hour noong ika-12 ng Hulyo sa sesyon ng SP, kung saan sinagot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Regional Office at mga Bus Companies upang alamin kung ano ang status nito sa kahilingan ng Provincial Government sa pagbabalik ng kanilang operasyon.

Sa sesyon, hindi umano makabalik operasyon ang mga bus companies dahil sa mahal na singil ng NLET sa mga bus companies na umaabot sa P100, 000-150, 000 kada slot parking.


Hindi rin pinapayagan ang mga ito na gamitin ang kanilang sariling terminal kahit pa gumawa na sila ng paraan upang maipatupad ang minimun public health standard.

Nakasaad sa resolusyon na pahirap sa mga bus companies ang paggamit ng NLET at masyadong mahal ang gagastusin ng mga mananakay kung ibaba sila sa NLET.

Hindi lamang umano ang Sangguniang Panlalawigan ang sumusuporta dito maging ang stakeholders ng lalawigan upang makabalik operasyon na ang mga bus sa Pangasinan.

Sa huli, nanawagan ito na bawasan na ang bigat ng mga Provincial Bus Companies at ang mga riding public sa kabila ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Facebook Comments