Porsyento ng medical waste sa bansa, tumaas pa – DENR

Aminado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tumaas ang medical waste sa bansa sa gitna ng COVID-19.

Sa ginanap na budget briefing ng ahensya, naging kapansin-pansin para sa mga mambabatas ang pagdami ng medical waste tulad ng PPE, face mask, face shield, at maging mga syringe bunsod ng vaccination program.

Nanawagan naman si Iloilo Representative Janette Garin na isaayos ang disposal ng medical waste dahil bukod sa banta sa kalusugan, at hindi ito biodegradable o nabubulok na makakasama sa kalikasan.


Nabatid na mula June 1, 2020 hanggang July 31, 2021, 661,906 o 1,697.20 metric tons kada araw ang total generated healthcare waste ng bansa.

Ibig sabihin, mas mataas ng 11.03% ang healthcare waste kumpara sa kapasidad ng mga treatment, storage, disposal (TSD) na matatagpuan sa National Capital Region, Regions 3, 4A, 1, 5, 7 ,8 at 10.

Facebook Comments