Porsyento ng pagluluwas ng produkto ng Pilipinas, bumagsak ayon sa PSA

Bumaba ang porsyento ng kalakaran sa Pilipinas nitong Mayo dahil sa pagbagsak ng pagluluwas ng mga produkto bunsod ng COVID-19 pandemic ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Base sa tala ng PSA, mula sa $1.865 billion o mahigit 89 bilyong piso, bumagsak ito ng 48.9 percent mula sa $3.649 billion o mahigit 178 bilyong pisong deficit nitong May, 2019.

Bunsod ito ng pagbagal ng porsyento ng pagluluwas ng pagkain kung saan mula sa 40.6 percent, bumagsak ito sa 38.7 percent.


Sa ngayon, ito na ang pangatlong buwan na bumagsak ang porsyento ng pagluluwas ng produkto dahil sa COVID-19.

Facebook Comments