Porsyento ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, nananatiling mababa sa nakalipas na siyam na araw ayon sa OCTA

Nananatiling mababa ang porsyento ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na siyam na araw.

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, nasa 955 na lamang ang seven-day average ng sakit sa rehiyon kung saan 660 average COVID-19 cases ang naitala.

Bumaba rin ang one-week growth rate sa negative 4% habang nasa 0.55 pa rin ang reproduction number o bilis na hawaan ng sakit.


Samantala, ang mga Local Government Units (LGUs) na nangunguna sa nakapagtala ng mataas na daily COVID-19 cases ay ang;

Quezon City sa NCR
City of Antipolo sa Rizal
Zamboanga City sa Zamboanga del Sur
City of Koronadal sa South Cotabato
Pasig City sa NCR
Davao City sa Davao del Sur
Lubang sa Occidental Mindoro
Manila City sa NCR
General Santos City sa South Cotabato
Dumaguete City sa Negros Oriental

Kahapon, aabot na lamang sa 4,043 ang panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa kung saan 50,630 na lamang ang aktibo.

Facebook Comments