Manila, Philippines – Nagpasya ang truck operators at mga customs broker na magsaawa ng Port Holiday o ang hindi pagbiyahe ng mga truck dahil sa malaking problemang hinaharap ngayon ng X-ray Center sa Manila International Container Port at Asian Terminals Incorporated.
Ayon kay Professional Customs Brokers Association of the Philippines Inc. President Rey Soliman, marami nang naapektuhan ng sobrang bagal na proseso para sa pagdaan sa X-ray Center.
Paliwanag ni Soliman, sa sandaling ito ay nakatengga na ang mga trak sa MICT at ATI kung saan nasa tinatayang limang porsiyento ng mga container ang may yellow tagging.
Anya ang 80 porsyento sa kada-average na 3 libong container bawat araw ay may red tag, o kailangang idaan sa X-ray, pero ang problema ay mayroon lamang 6 na X-ray sa MICT at 6 din sa ASEAN Terminal Inc. subalit dalawa lamang ang gumagana sa MICT at ATI.
Nilinaw ni Soliman na hindi sila tutol sa kampanya ng gobyerno laban sa smuggling at bawal na iligal na droga pero pinag-e-eksperimentuhan na naman umano ni BOC Commissioner Isidro Lapeña ang proseso na labis na naapektuhan ang trade facilitation.