Posibilidad na may kinalaman ang China sa hacking ng website ng gobyerno, hindi inaalis ng DICT

Hindi inaalis ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang posibilidad na may kinalaman ang China sa mga hacking attempt sa ilang website ng ahensya ng gobyerno.

Ito’y kasunod ng mga napaulat na ilang China-based hackers ang nagtangkang pasukin ang website ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Google worksheet ng ilang government offices.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DICT Sec. Ivan Uy, na posible pa ang lahat ng anggulo tungkol dito pero hindi pa sila maaaring maglabas ng konklusyon.


Gayunpaman, bukas aniya ang pamahalaan sa pakikipagtulungan sa lahat lalo’t importante aniya ang koordinasyon ng mga bansa.

Samantala, inihayag naman ni Uy na handa umanong tumulong ang China sa ginagawang imbestigasyon ng Pilipinas hinggil sa pinakahuling hacking attempts sa ilang website ng pamahalaan.

Humingi na aniya ng impormasyon ang China kung tungkol sa insidente upang makatulong sa paghahanap ng mga nasa likod ng hacking.

Facebook Comments