Posibilidad ng pagbaba sa Alert Level 1 ng Metro Manila, malalaman pa pagkatapos ng isang linggo – OCTA Research Team

Nilinaw ng OCTA Research Group na maganda pa rin ang lagay ng Metro Manila pagdating sa reproduction number o bilis ng hawahan ng COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Butch ong na bagama’t bahagyang tumaas ngayon kumpara sa mga nakalipas na linggo ay nasa below 1.0 pa rin ang National Capital Region (NCR).

Habang sa buong bansa, nananatiling mababa ang positivity rate natin na nasa 3 porsyento lamang at pasok pa sa batayan ng World Health Organization (WHO) na nasa 5 percent.


Sa kabila niyan, iginiit ni ong na kailangan pang maghintay nang isa pang linggo para masabi na maaari na tayong bumaba sa Alert Level 1.

Kahapon, muling umabot sa higit 2,000 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa na naitala ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments