POSIBLE | 2019 national budget, posibleng sa Marso pa maipatupad

Manila, Philippines – Inihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi agad lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed 2019 budget sa oras na ito ay matapos na sa Kongreso sa pagbabalik ng session nito sa susunod na taon.

Matatandaan kasi na hinayaan nalang ni Pangulong Duterte na magkaroon ng re-enacted budget sa unang bahagi ng taon at hindi na nagdesisyong magpatawag ng special session sa Kongreso dahil pagod na aniya ang mga mambabatas at hayaan nalang magbakasyon ang mga ito.

Sa economic briefing sa Malacañang ay sinabi ni Diokno, kahit matapos ng mga mambabatas sa huling bahagi ng buwan ng Enero ang panukalang budget ay posibleng sa buwan ng Marso pa ito maipatupad.


Paliwanag ni Diokno, pagaaralan pang mabuti ni Pangulong Duterte ang naipasang budget upang malaman kung ano ang mga laman nitong dapat i-veto o ibasura ng Pangulo.
Posible aniyang abutin ng isang lingo ang pagaaral na ito at kakailanganin pa ng bukod na 15 araw matapos mailabas sa pahayagan ang panukala bago ito maipatupad.

Facebook Comments