POSIBLE | Desisyon ng SC hinggil sa quo warranto petition laban kay ousted CJ sereno, i-aapela sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Posibleng i-apela sa susunod na linggo ng napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Quo Warranto.

Nabatid na binigyan ng Korte ng 15 araw ang kampo ni Sereno na i-apela ang desisyon.

Ayon sa isa sa abogado ni Sereno na si Atty. Florin Hilbay – pinag-aaralan ng kanilang kampo ang mga batayan para magkaroon ng matibay na kaso para baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema.


Igigiit din ng kampo ni sereno ang resolusyon ng Senado na ang mataas na kapulungan lang ang may kapangyarihang na litisin ang impeachable officials.

Facebook Comments