Manila, Philippines – Pulitika ang pangunahing dahilan na nakikita ng Palasyo ng Malacañang na dahilan sa mga magkakasunod na pagpatay sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Matatandaan na unang binaril si Tanauan City Batangas Mayor Antonio Halili, pinagbabaril at napatay din ang Mayor ng General Tinio Nueva Ecija na si Mayor Ferdinand Bote at ang pinaka huling biktima ay ang Vice Mayor ng Trece Martirez Cavite na si Vice Mayor Alex Lubigan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi maaaring sabihin na mayroong pattern ang mga naganap na pagpatay dahil wala namang kinalaman sa iligal na droga ang kaso ng ilan sa mga napatay tulad nila Lubigan at Bote.
Sinabi ni Roque na dahil sa pagsapit ng panahon ng eleksyon ay pinagaaralan na ng Commission on Elections na ipatupad ng mas maaga ang Gun Ban.
Binigyang diin din naman ni Roque na kailanman ay hindi inatasan ng Pangulo ang Philippine National Police na dapat nitong gawin na imbestigahan ang mga nangyaring pagpatay at maibigay ang hustisya sa mga biktima at maikulong ang mga nasalikod ng pagpatay.