Posibleng aregluhan ng pamahalaan sa Maynilad at Manila Water, malabo – PRRD

Walang nakikitang paraan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa posibilidad na humantong sa aregluhan ang kasalukuyang isyu sa kontrata ng pamahalaan at ng dalawang water concessioners.

Sa harap na rin ito ng pagiging bukas ng Maynilad at ng Manila Water na makipagkompromiso sa kasalukuyang gobyerno at ayusin ang anumang naging mali sa nabuong concession agreement.

Ayon sa Pangulo, hindi niya maisip kung paano sasabihin sa taong bayan na pumasok na lang ang pamahalaan sa aregluhan o sa isang compromise agreement gayung may malaking kinalaman sa pinag- uusapang kontrobersiya ang economic plunder.


Binigyang diin ng Chief Executive na pera ng mga Pilipino ang pinag-uusapan dito na aniya’y nabiktima ng harap-harapan gayung tayo din ang bumalikat sa income tax ng dalawang water concessioners na malinaw na panggigisa sa sariling mantika.

Giit ng Pangulo, pambabastos ito sa bayan kaya at mahirap na pumasok sa anomang aregulahan ang pamahalaan sa Maynilad at Manila Water.

Facebook Comments