Inihayag ng Department of Health (DOH) na pinaghahandaan na nila ang lahat ng gagawin para sa posibleng bakuna kontra COVID-19 kahit wala pa silang vaccine czar.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, suportado ng DOH ang pagkakaroon ng vaccine czar kung saan ang pamahalaan ang magtatalaga nito upang mas mabilis na magagawa ang trabaho partikular sa pagresponde sa COVID-19 pandemic.
Sinabi pa ni Vergeire na mayroon man o walang itatalagang vaccine czar, patuloy ang kanilang trabaho para maipatupad ang immunization program ng gobyerno.
Aniya, noon pa man ay sinisigurado na ng DOH na mababakunahan ang mga bata, nakakatanda at kahit na mga ina na ngangailangan din nito.
Facebook Comments