Iniimbestigahan na ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang House of Representatives kasunod ng naitala nilang mahigit 40 na COVID-19 cases.
Ayon kay Quezon City-CESU Director Dr. Rolly Cruz, karamihan sa mahigit 40 cases ay naka-address sa Kamara at naninirahan sa Batasan at kalapit na barangay.
Aminado naman si Cruz na hirap silang matukoy kung mayroon ng outbreak ng COVID-19 sa Kamara dahil bigong magbigay ng kumpletong listahan ang report ng Mababang Kapulungan.
Maliban dito, hirap din aniya silang makapagsimula ng contact tracing dahil sa pending at limitadong listahan.
Giit pa ni Cruz, hindi dapat naantala ang hakbangin laban sa COVID-19 dahil malinaw sa batas na walang exempted dito kahit na ang Kamara pa.
Facebook Comments