Posibleng COVID-19 surge sa darating na Pasko at Bagong Taon, pinaghahandaan na ng DOH

Pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagsampa ng bilang ng COVID-19 cases ngayong nalalapit na naman ang kaliwa’t-kanang social gatherings kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay House Committee on Appropriation Senior Vice Chairman Representative Stella Luz Quimbo, lalo pa nilang paiigtingin ang programa sa pagtuturok ng COVID-19 booster, at primary vaccines.

Tututukan din aniya ng DOH ang pagpapatupad sa pagsusuot ng face masks sa gitna ng pagluluwag ng protocol para dito.


Samantala, ayon sa OCTA Research, nasa 2,000 na kaso ng COVID-19 ang posibleng maitala sa National Capital Region (NCR) kada araw dahil sa positivity rate sa rehiyon na tumaas ng 17.5% nitong September 21, mula sa 14.3% noong September 14.

Facebook Comments