Posibleng COVID surge dahil sa election period, pinaghahandaan na ng ilang LGUs

Pinaghahandaan na ng City Health Office ng Muntinlupa City ang Posibleng pagsirit ng kaso ng COVID-19 kaugnay ng idadaos na halalan sa bansa.

Kabilang sa pinatutupad ngayon ng city health office ang puspusang pagbabakuna.

Nagsasagawa na rin ng pre-emptive measure ang health officials ng Muntinlupa para ma-maintain ang mababang kaso ng infection.


Kabilang na rito ang mobile vaccination para sa mga kabataang may edad 12-17 anyos.

Gayundin ang booster shots sa eligible population at sa persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prisons at sa Muntinlupa City Jail.

Facebook Comments