Posibleng demanda dahil sa balak na pag-regulate ng Casino, handang harapin ng konseho ng Quezon City

Manila, Philippines – Handa Quezon City Council na harapin ang demanda na ihaharap sa kanila sa sandaling maipasa ang ordinansa na magre-regulate sa casino.

Tugon ito City Councilor Ivy Lagman, chairperson ng Committee on Games and Amusement sa nauna statement ni Councilor Ranulfo Ludovica na maaring buweltahan ng demanda kung igiit nito na patawan ng buwis at ipatupad ang entrance fee sa operasyon ng casino.

Ayon kay Ludovica, ito ay paglabag sa batas na lumikha sa PAGCOR.


Ang PAGCOR ang nagbigay ng franchise sa Solaire Casino na makapagtayo ng casino.

Binigyan diin ni Lagman na ginagampanan lamang nila ang kanilang tungkulin na magpataw ng ocal tax alinsunod sa itinatadhanan ng Local Government Code.

Aniya, wala pang legal na batayan o jurisprudence na nagbabawal sa mga LGU na i-regulate at takdaan ng buwis ang casino.

Facebook Comments