Posibleng epekto ng holiday season sa kaso ng COVID sa bansa, malalaman sa kalagitnaan ng Enero

Sa kalagitnaan pa ng buwang kasalukuyan malalaman ng Department of Health (DOH) kung may malaking pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kasunod ito ng nagdaang holiday season kung saan lumabas ang mga tao at nagkaroon din ng mga salu-salo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, karamihan kasi sa COVID laboratories ay ngayong araw lamang muli nagbukas.


Nitong holiday season, kaya aniya bumaba ang figures na kanilang inilalabas sa COVID update dahil 22,000 laboratories lamang ang nagsusumite sa kanila kada araw ng outputs

Ito ay mula sa kabuuang bilang na 36,000 COVID laboratories na otorisadong gumawa ng pagsusuri o COVID test.

Facebook Comments