Posibleng extension ng Martial law sa Mindanao, hindi pa matiyak – AFP

Manila, Philippines – Hindi pa masabi ng Armed force of the Philippines kung irerekomenda nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isa pang extension ng Martial Law sa buong Mindanao.
Ito ay sa harap narin ng pagkakapatay sa mga lider ng Terrorist group sa Mindanao na sina Isnilon Hapilon, Omar Maute at ang mga kapatid nito at ang sinasabing pagkakapatay kay Dr. Mahmud Ahmad.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, ang ginagawa nilang operasyon sa Mindanao ay nakabatay sa December 31 timeline o ang deadline ng Martial law sa Midanao.
Malaki aniyang tulong ito para sa Militar para mabilis na maisagawa ang kanilang mga mandato na hulihin ang mga kasama sa Arrest order na inilabas ng Department of National Defense.
Hindi aniya nila masabi sa ngayon kung kailangan pang iextend ang Martial law pero magkakaroon aniya ng isang pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang security agencies para ito ay pag-usapan.

Facebook Comments