Pinaiimbestigahan ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Quimbo sa Committee on Economic Affairs at Committee Trade and Industry ang posibleng “kartel” na maaring sanhi ng napakataas na presyo ng sibuyas sa ating bansa.
Nakapaloob ito sa House Resolution 681 na inihain ni Quimbo na layuning mabusisi “in aid of legislation” ang umano’y “anti-competitiveness practices” at isyu ng kartel sa ating industriya ng sibuyas.
Sabi ni Quimbo, noon pang Agosot ng nakaraang taon ay lumulutang na ang posibleng “hoarding” ng mga sibuyas, at onion cartel.
Bunsod nito ay nanawagan si Quimbo sa Philippine Competition Commission o PCC na paigtingin ang mga aksyon upang matigil na at mapanagot ang mga sangkot o nagsasabwatan sa hoarding, smuggling, at cartels sa bansa.