Posibleng lockdown sa Metro Manila dahil sa COVID-19, hindi tututulan ng ilang labor group; benepisyo para sa manggagawang maapektuhan nito, dapat tiyakin ng gobyerno

Dapat na linawing mabuti ng gobyerno ang mga magiging programa nito para sa mga manggagawang maaapektuhan sakaling magpatupad ng lockdown sa Metro Manila.

Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagdami ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Ayon kay Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Spokesman Alan Tanjusay, hindi nila tututulan ang posibleng pagpapatupad ng lockdown pero dapat na magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng gobyerno at labor group para mapag-usapang mabuti ang mga benepisyo ng mga pwedeng maapektuhan nito.


Kahapon matatandaang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na posibleng umabot ng hanggang 60,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil sa paghina ng turismo at kalakalan bunsod ng covid-19.

Ayon kay Tanjusay, posibleng sunod na maapektuhan ng COVID-19 ang sektor ng agri-business.

Facebook Comments