Posibleng lockdown sa NCR dahil sa COVID-19, pinaghahandaan na ng DA

Pinaghahandaan na ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng lockdown sa National Capital Region (NCR) dahil sa COVID-19.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ipinag-utos na niya sa kagawaran ang mas madaling access sa suplay ng mga pagkain kabilang na ang bigas sa metro manila.

Oras kasi aniya na magkaroon ng lockdown maaaring magkaroon ito ng epekto sa suplay ng pagkain.


Pagtitiyak ng kalihim, mas mabuti nang pinaghahandaan ang ganitong sitwasyon lalo na ang pagkain na siyang pangunahing pangangailangan sa araw-araw.

Facebook Comments