Posibleng pag-akyat ng kaso ng cybersex trafficking habang umiiral ang lockdown, ikinabahala ng isang senador

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education, Philippine National Police (PNP) at ang Department of Justice (DOJ) na paigtingin ang mga hakbang kontra cybersex trafficking sa mga kabataan.

Nagbabala si Gatchalian na dahil sa nagpapatuloy na Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa banta ng COVID-19, ay mas maraming panahon ang mga kabataang magbabad sa internet Kaya mas nanganganib silang maging target ng mga online traffickers.

Binanggit pa ni Gatchalian na itinuring na ng United Nations Children’s Fund o UNICEF ang Pilipinas na global epicenter ng livestream sexual abuse trade, kung saan walo (8) sa sampung (10) kabataan ang nanganganib makaranas ng online sexual abuse.


Mungkahi ni Gatchalian sa DepEd, gamitin ang online learning platform nitong DepEd Commons upang magpalaganap ng kaalaman sa mga panganib, pagsugpo, at pag-ulat sa mga kaso ng online sexual exploitation of children.

Sabi pa ni Gatchalian, dapat maging bahagi ng pagtugis sa nasa likod ng mga krimeng ito ang buong pwersa ng women and children protection units ng PNP at National bureau of investigation.

binigyang diin din ni Gatchalian ang mahalagang papel ng mga magulang para bantayan at tiyakin na nasa pinakamahigpit na privacy settings ang pag-gamit ng kanilang mga anak sa internet.

Facebook Comments