Posibleng pagbabagong ipatupad sa pagsasagawa ng anti drug campaign walang problema sa PNP

Handa ang Philippine National Police na baguhin ang ilang panuntunan na kanilang ipinatutupad kaugnay sa kanilang anti illegal drugs campaign.

 

Ayon kay PNP Officer in Charge Lt Gen Archie Gamboa  ito ay kaugnay na rin sa kagustuhang pagbabago ni Vice President Leni Robredo  bilang co-chairperson ng Inter Agency Comm on Anti Illegal Drugs o ICAD.

 

Pero kung ano ang mga dapat baguhin ay kailangan muna nilang makita ang programang gustong ipatupad ng pangalawang pangulo.


 

Para kasi kay Gamboa, matagumpay ang kasalukuyang programa na ipinatutupad ng PNP lalo na ang anti illegal drugs campaign ngunit walang problema sa kanila kung magsagawa ng re-calibration.

 

Matatandaang  isinusulong ni VP Leni ang “no to senseless killings” kung saan namamatay ang mga inosente at nakatuon sa mga small time na drug users sa halip na  mga big time drug dealers ng gobyerno ang target.

 

Makikipagpulong din daw si Robredo sa mga US Authorities para makakuha ng karagdagang impormasyon sa estado ng drug problem sa Pilipinas at para matukoy kung saan nanggagaling ang mga supply ng ilegal na droga na pumapasok sa bansa.

Facebook Comments