Nagbabala ang US National Weather System sa posibleng pagbaha kasunod ng inaasahang pagbabalik sa normal temperatura sa ilang bahagi ng Estados Unidos.
Patuloy pa kasing nararanasan ang “polar vortex” o matinding lamig sa US midwest at northeast kung saan 250 milyong mga residente ang apektado.
Una nang pumalo sa 21 katao ang nasawi dahil sa hypothermia at frostbite.
Habang ginagamot pa rin sa mga ospital ibang ang mga biktima kung saan karamihan sa mga ito ay pawang mga homeless.
Kasabay nito, nagpaalala ang natural gas provider sa Michigan sa mga residente na bawasan ang kanilang konsumo dahil sa taas ng demand.
Nabatid na 20 taon na ang nakalilipas nang huling maranasan ang matinding pagyeyelo sa midwest at northeast.
Facebook Comments