Posibleng pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng batas militar, pinawi ni Defense Sec. Lorenzana

Manila, Philippines – Pinawi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pangamba ng publiko sa posibleng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong bansa.

Ito’y kaugnay sa planong kilos protesta sa darating na Huwebes, Setyembre 21 kung saan gugunitain ang anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar.

Paliwanag ni Lorenzana – gagawin lamang ito ng pangulo ng maglulunsad ng rebelyon ang makakaliwang grupo.


Muling iginiit ni Lorenzana na una nang sinabi ng pangulo na gawin ang pagpapahayag na naaayon sa batas.

Dagdag pa ng kalihim, kinikilala ng pangulo ang malayang pamamahayag gamit ang lansangan.

Pero pinaaalahanan ng kalihim ang mga raliyista na may umiiral na State of National Emergency na idineklara matapos ang Davao City bombing noong nakaraang taon.

Facebook Comments