Posibleng pagkakaroon ng karagdagang sintomas ng tatlong Monkeypox cases sa Pilipinas, binabantayan ng DOH

Mino-monitor ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagkakaroon ng karagdagang sintomas ng tatlo pang aktibong kaso ng Monkeypox virus sa bansa

Ayon sa DOH, patuloy rin nilang binabantayan ang posibleng pagkakaroon ng mga bagong rashes ng mga pasyente.

Sa ngayon, patuloy anila na ginagamot ang rashes ng mga ito at wala naman silang nakitang panibagong rashes at mga sintomas.


Patuloy ring naka-isolate ang mga close contacts ng mga pasyente.

Nanindigan naman ang DOH na walang dapat ikabahala ang publiko sa Monkeypox virus lalo na’t wala pa naman anilang local transmission ng Monkeypox sa bansa.

Facebook Comments