Posibleng pagkakaroon ng local transmission ng UK COVID-19 variant sa bansa, premature pa ayon sa ilang eksperto

“Premature” pang maituturing ang pagdedeklara ng “community transmission” ng UK COVID-19 variant sa bansa.

Ito ay sinabi ng ilang eksperto matapos magkapagtala ng mga kaso ng naturang variant ng sakit sa iba’t-ibang panig bansa.

Sa DOH Virtual Press Briefing, sinabi ni Dr. Edsel Salvana, Director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng National Institutes of Health sa University of the Philippines (UP) Manila, wala pang sapat na basehan para masabing mayroon nang local transmission ang bagong variant ng COVID-19 dahil hindi naman daw ito nahanap sa ibang lugar.


Sinabi naman ni Research Institute for Tropical Medicine (RITM) Director Dr. Celia Carlos na patuloy ang kanilang imbestigasyon para matukoy ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.

Aniya, mas maganda at makakabuti na hintayin na lang ang resulta ng ginagawang imbestigasyon.

Sa huli, iginiit ng dalawang eksperto na mahalagang sundin ng bawat isa ang itinakdang safety and health protocols kontra COVID-19 at iba pang mga bagong variant nito.

Patuloy ang masusing contact tracing ng Department of Health (DOH) sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa bagong COVID-19 variant sa iba’t ibang dako ng bansa.

Facebook Comments