Posibleng pagkalas ng Pilipinas sa UNHRC, pinag-aaralan ni Sec. Locsin

Pinag-aaralan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang posibilidad na kumalas ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Ito ay matapos katigan ng UNHRC ang resolusyong magsisiyasat sa extrajudicial killings o EJK sa bansa sa ilalim ng war on drugs.

Ayon kay Locsin – wala namang embahada ang Pilipinas sa Iceland at wala rin silang embahada rito sa Pilipinas.


Dagdag ng kalihim, nararapat lamang na sundan ang ginawang hakbang ng Amerika.

Matatandaang noong June 2018, inanunsyo ng Estados Unidos ang pag-alis nito sa human rights body ng UN.

Ang Pilipinas ay kasalukuyang isinisilbi ang tatlong-taong termino nito sa 47-member council na nakabase sa Switzerland mula 2019 hanggang 2021.

Facebook Comments