Marawi City, Philippines – Pinaghahandaan na ngayon ng militar ang posibleng spillover o pagkalat ng gulo sa Marawi City
Ito ay sa kabila nang nauna nang pahayag ng AFP na kontrolado na nila ang sitwasyon sa Marawi City sa harap ng patuloy na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group.
Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Capt. Jo Anne Petinglay, sa ngayon itinuturing nilang developing situation o hindi nila tiyak ang mga susunod na pangyayari sa Marawi City.
Dahil dito, pinagtutuunan na ngayon ng AFP ang posibilidad na pagkalat ng gulo at iba pang diversionary tactics na gagawin pa ng Maute Group.
Sa kabila nito, umaasa si Petinglay na bukas o sa susunod na araw ay matatapos ang gulo sa Marawi City.
Matatandaang kahapon ng hapon nang magsagawa ng law enforcement operation ang tropa ng pamahalaan sa Marawi City. Matapos na mamonitor ang presensya ni ASG leader Isnilon Hapilon.
Pero pagsapit ng tropa sa lugar ay dito na nila nakasagupa ang Maute Group.
DZXL558