Anim, patay; 31, sugatan sa tropa ng pamahalaan sa sagupaan sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Muling nadagdagan ang napapatay at nasusugatan mula sa tropa ng pamahalan sa nagpapatuloy na gulo sa Marawi City.

Sa ulat ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo hanggang ngayong hapon nakapagtala na sila ng anim na miyembro ng tropa ng pamahalaan na napapatay sa sagupaan habang 31 naman ang sugatan.

Hindi pa rin pinapangalanan ang mga ito hanggat hindi pa nabibigyan ng impormasyon ang kanilang pamilya.


Sa ngayon nagpapatuloy ang operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa Maute Group sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments