Manila, Philippines – Sisilipin ngayong umaga ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies kung nilabag ni Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista ang Anti-Money Laundering Act o AMLA.
Basehan ng imbestigasyon ng senado ang ibinunyag ng misis ni Bautista na si Patricia na mayroon itong ill-gotten wealth.
Ayon kay Patricia, hinati hati ni Bautista ang P329-milyon na bahagi ng umano’y kwestyunableng yaman nito sa 35 bank accounts sa Luzon Development Bank (LDB).
Kabilang sa mga inimbitahan ni Committee Chairman Sen. Chiz Escudero ay sina Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Nestor Espenilla, Atty. Mel, Georgie Racela ng Anti-Money Laundering Council, Atty. Dante Gierran ng National Bureau of Investigation, at Mr. David Sarmiento Jr, na president at director ng Luzon Development Bank.