Posibleng pagpapalawig ng batas militar, ibinabala

Manila, Philippines – Plano ng ilang nagpetisyon laban sa martial law sa Mindanao na maghain ng motion for reconsideration ang naging desisyon ng Korte Suprema.

Ayon kay Act Party list Rep. Antonio Tinio, nangangamba siya sa naging desisyon ng SC dahil posible hindi lang mindanao ang makaranas ng batas militar sa ilalim ng Duterte Administration.

Sinabi naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano, isa sa petitioners na mali ang naging desisyon ng SC dahil ang kaguluhan ay nasa Marawi City lang at hindi sa buong Mindanao.


Giit naman ni Caloocan Rep. Edgar Erice, isa rin sa mga petitioner, na hindi na siya interesadong maghain ng apela hinggil rito.

Dagdag naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na ang dapat bantayan ngayon ay ang posibleng pagpapalawig ng implementasyon ng batas militar.

Facebook Comments