Dalawang drug suspect, arestado matapos mahulihan ng droga

163

Manila, Philippines – Natimbog ang dalawang drug suspect matapos mahulihan ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod ng Makati.

Nakilala ang mga naaresto na sina Ruby Plantado at Xavier Plantado, kapwa nakatira sa Brgy. West Rembo ng naturang lungsod.

Naglatag ng operasyon sa 22nd Street ang mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police Station kung nagpanggap ang isang operatiba na bibili ng shabu na nagkakahalaga ng limang daang piso.


At nang magkaabutan na ng shabu at pera ay dito na dinamba at pinosasan ang mga suspek.

Apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa mga ito, kabilang na ang 500 pesos na buy-bust money.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments