Posibleng pagpapanumbalik ng NCR sa moderate risk, kaya pang iwasan ayon sa isang infectious disease expert

Naniniwala si Dr. Rontgene Solante isang Infectious Diseases Expert na kaya pang maiwasan ang posibilidad na maibalik sa moderate risk classification ang Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Solante na bagama’t asahan na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo’t nakapasok na sa NCR ang Omicron subvariants tulad ng BA.4, BA.5 at BA.2.12.1 ay kaya naman itong maagapan.

Ayon kay Solante, kinakailangan lamang maging maingat ang publiko, ibig sabihin hindi dapat magpabaya at panatilihin ang pagsunod sa minimum public health standards.


Mahalga rin ani Solante na imonitor ang healthcare utilization rate, kapag tumaas kasi aniya ang kaso at napuno na naman ang mga pagamutan ay hindi imposibleng mahigpit muli ng restrictions ang gobyerno.

Dapat ding palakasin ang isolation at detection, bumili ng mga antiviral medicines at palakasin ang pagbabakuna at pagbibigay ng booster doses.

Facebook Comments