Manila, Philippines – Nangangamba ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagtaas ng drug activity at krimen sa bansa matapos na alisin na ang PNP bilang lead agency sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operations.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, makikita sa rekord na noong inihinto ng PNP ang anti-illegal drugs operation mula buwan ng Enero hanggang Marso ay tumaas ang krimen.
Kaya aniya, pinangangambahan ito mismo si PNP Chief Ronald Dela Rosa pero umaasa ang PNP na sa maigitng nilang ikakasang anti-criminality campaign ay hindi muling tataas ang krimen.
Kaugnay nito, naniniwala naman ang PNP na marami silang natulungan sa isang taon at tatlong buwang ikinakasang anti-illegal drugs operations.
Patunay aniya dito ang pagsuko ng 1.3 milyong drug suspect na sumuko at ngayon isinasailalim sa drug rehabilitation para makapagbagong buhay.
109 drug offenders ang naaresto ng buhay na nabigyan ng pagkakataong magbagong buhay.