Posibleng pagtakbo ni Mayor Sara sa pagkapangulo, resulta ng kawalan ng batas laban sa political dynasty – Carpio

Bagama’t ipinagbabawal ang political dynasties sa ilalim ng Saligang Batas, sinabi ni Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na maaari pa ring tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Carpio, wala kasing batas na nagbabawal sa political dynasties kaya maaaring tumakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero binanggit ni Carpio ang probisyon sa Konstitusyon na bawal ang mga miyembro ng pamilya sa pagkontrol ng isang posisyon o maghalinhan.


Una nang sinabi ni Mayor Duterte na bukas siya sa pagtakbo bilang pangulo sa susunod na halalan.

Si Justice Carpio ay tiyuhin ng asawa ng alkalde na si Atty. Mans Carpio.

Facebook Comments