Nanindigan ang Malacañang na wala silang nakikitang mali sa posibleng pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.
Nabatid na inihayag ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairperson Christian Monsod na ang pangungumbinsi kay Pangulong Duterte na tumakbo bilang pangalawang pangulo ay maituturing na paglabag sa Konstitusyon.
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ito ipinagbabawal sa ilalim ng Konstitusyon.
Walang makakapigil sa pagpupursige ni Pangulong Duterte na tumakbo sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Gayumpaman, muling nilinaw ni Roque na wala pang desisyon si Pangulong Duterte hinggil sa resolusyon ng PDP-Laban na humihikayat sa kanya na tumakbo bilang bise presidente.