Manila, Philippines – Itinanggi ni dating Senador Jinggoy Estrada ang napipinto niyang pagtayo bilang state witness sa kasong ihahain kaugnay ng DAP o Disbursement Acceleration Fund.
Hindi rin niya kinukumpirma o itinanggi kung nilapitan siya ng mga kinatawan ng Department of Justice (DOJ) para aluking maging state witness ng gobyerno.
Ang DAP ay unang ibunyag ni Estrada sa kaniyang malayang talumpati noon sa Senado.
Aniya, ang DAP ay isang presidential pork barrel. Ito ay mga savings na ni-realigned para sa pet projects ni dating President Aquino at kaniyang mga kaalyado.
Ang DAP ay idineklara ng Supreme Court na hindi naayon sa batas.
Facebook Comments