Posibleng pulong ng Japan at North Korea, suportado ni Trump

Suportado ni US President Donald Trump sa posibleng face-to-face meeting sa pagitan ng dalawang lider ng Japan at North Korea.

Ayon kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe – nais ni Trump na magkaroon ng masinsinang pag-uusap tungkol sa nuclear policy ng North Korea at mga dinukot na Japanese.

Umaasa aniya ang US Chief Executive na magiging mabuti ang resulta ng pag-uusap kay North Korean leader Kim Jong Un.


Si Trump ay nasa four-day visit sa Japan.

Facebook Comments