Planong point-to-point sa mga UV Express, inalmahan

Aapela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na pag-aralan ang planong gawing point to point ang mga UV Express.

Ayon kay Ariel Inton, pinuno ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), umaasa silang irerekonsidera ng LTFRB na magtalaga ng mga piling babaan o sakayan ng mga pasahero.

Kailangan rin naman aniyang intindihin ang kapakanan ng mga commuter lalo na yung mga malayo ang destinasyon mula sa terminal.


Sabi pa ni Inton, maiiwasan rin rito ang korapsyon kung pagbibigyan ang kanilang kahilingan.

Facebook Comments