Posibleng sabwatan ng mga pulis at PDEA agents na nahulihan ng shabu, iimbestigahan ng PNP

Pinag-aaralan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na sabwatan sa pagitan ng ilang tiwali at sidikatong tauhan ng PNP at ang mga nahuling taga-Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakailan sa anti-illegal drug operations sa Taguig.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, isa ito sa kanilang tinitignan kung saan hihimayin at iimbestigahan itong mabuti ng Pambansang Pulisya.

Aniya, makikipag-ugnayan ang PNP kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo para malaman kung sinu-sino pa ang mga kasabwat nina PDEA Southern District Office Chief Enrique Lucero, mga PDEA agents na sina Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno at driver na si Mark Warren Mallo na natimbog kamakailan sa Upper Bicutan, Taguig City at nahulihan ng ₱9.1M halaga ng shabu at paraphernalia.


Sinabi ni Fajardo, sumasailalim na sa forensic investigation ang mga gadgets ng mga naarestong suspek para matukoy kung sino ang kanilang mga katransaksyon.

Paliwanag pa nito, nakakabahala hindi lamang sa hanay ng PNP kunghindi sa mismong PDEA ang nangyaring lantarang ilegal drug activity dahil taga-PDEA mismo ang nahuli na kung tutuusin ang mga ito ang dapat na tagahuli ng mga sangkot sa illegal drugs.

Facebook Comments