Manila, Philippines – Pinabubusisi ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) kung may nagaganap na sabwatan kaya nagiging manipis ang suplay ng kuryente.
Ito ay matapos isailalim ng dalawang beses ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert ang Luzon grid na nagresulta sa brownout sa ilang lugar.
Ayon kay Gatchalian, layon nito na maprotektahan ang publiko mula sa pang-aabuso at matiyak na walang mangyayaring brownout sa eleksyon sa Mayo.
Aniya, nakapagtataka kasi lalo at ilang beses tiniyak ng DOE na hindi magkakaroon ng brownout ngayong panahon ng tag-init at kahit na may El Niño.
Giit ni Gatchalian, kapag kasi mataas ang demand at manipis ang suplay ay maaaring magtaas ng singil sa kuryente.
Facebook Comments